Main Menu
Home
About Tampipi
Tampipi News
Mga Muni-muni
Links
Contact Us
Search
Guestbook
Forums
FAQ's
Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one
Mga Muni-muni
Huntahan PDF Print E-mail
Written by Chie Lagdameo   
Tuesday, 08 November 2005

Uy, alam mo ba ang tampipi mayroon na dito sa bansang Hapon. Pagala-gala kung saan. Kamailan lang nakita ng kaibigan ko nandoon malapit sa istasyon ngTokyo. Tapos sa susunod naman daw sa Nishi-Kawaguchi pupunta. at may balak pang dumayo sa ibang lugar.

Nakapagtataka lang, ‘di ba ang tampipi ay ang sinaunang maleta ng mga lolo at lola. Bakit nakakapamasyal na ba ‘yan mag-isa? Ito ang aking tanong sa kaibigan. Ang sagot nga daw ay musikero ang mga yaun. May apat na kasapi, isang babae na mala-Ibong Adarna kung kumanta, isang lalaki na nais kalabanin ang sinumang mang bantog na mang-aawit ; at dalawang lalaki ulit na taga-tugtog ng gitara at mga katutubong instrumento. 

Aba, sandali lang, ano ba ang kanilang tugtugin? Sariling likha hango sa kuwento ng mga Pilipino dito sa bansang Hapon. Malay mo, ang pinakaiingat-ingatan mong salaysayin ay naisulat at kinakanta na at malamang narinig na ng madla.

Last Updated ( Tuesday, 08 November 2005 )
Saan Nga Kaya PDF Print E-mail
Written by Chie Lagdameo   
Tuesday, 08 November 2005
Bakit nga ba ang mga Pinoy kapag nagsama-sama daig pa ang may kalembang na dala. Huntayang walang humpay, hagikhikan na walang patid na talaga namang hindi mawari. Kaya hindi na rin masisi ang ilang Hapon kung mamintas tungkol sa kaingayan ng mga Pinoy. Pero sandali lang, hindi rin naman kaila, ang mga Pinoy pagdating sa kantahan ay hindi pahuhuli. Subukang bigyan ng gitara ang isa; dalawa, tatlo ang kakanta.

Pag-isipang pasyalan ang ilang pagtitipon ng mga Pinoy at Hapon at tiyak may maririnig kang tugtugin na malamang ang kuwento ng buhay mo ay nilapatan na ng nota at itinutugtog na. Saan nga kaya mabuting gumala para makakilala ng mga manganganta na ganoon ang tema?

Last Updated ( Tuesday, 08 November 2005 )
Usafang Vakla PDF Print E-mail
Written by Chie Lagdameo   
Tuesday, 08 November 2005

Mamah….chika tayo. Maki-jamming tayo sa kanila. Hay nakakaluka, type ko ang mga songs nila. Parang pinakbet, iba-iba ang lahok, iba’t-iba ang kulay. ‘Yong isang okaasan sa tabi ko, mega-relate sa isang kanta, maluha-luha pa siya…hay loca! Kasi ba naman ang anakis niya nasa Pinas at siya nandito sa land of the rising sun. Shocks, hindi kaya ng powers niya ang hindi ma-touch. Hayun mega-retouch siya ng make-up afterwards. Kasalanan ng Tampiping-gala ‘yan kasi ba naman, ang sabi, “Tigil na aking mahal huwag magdaramdam, yakap ka ng Nanay,” paano nga mangyayari yakap-yakap daw. Imagine na lang siya for life kasama si Baby na tiyak Bonjing na ngayon, kaya hayun ngawa ang drama ng Lola. Sabagay, mahirap din naman talaga ang malayo sa pamilya pero kailangan para kumita…..Nakaka-inis nagse-senti na tuloy din ako. Mamah, bagay ba ring mag-emote ang sisterete mong beauty? Sige, go na tayo, mega-watch out na tayo para mag-mega-hear sa songs baka may Fafa na pumunta na nagse-senti rin..haaaaayyyyyy!

Last Updated ( Tuesday, 08 November 2005 )
Tanong PDF Print E-mail
Written by Chie Lagdameo   
Tuesday, 08 November 2005
Kuwento ni Aling Gunding nakakatuwang isipin. Lagi na lang nagtatanong, “Ikaw nga ba ang tugon ng puso?” Tama daw ba na siya’y ibigin, hay naku ang masasabi lang, humayo ka na Aling Gunding, sundan si Ka Berting sa kanluranin.

Ito ang pinupunto ng isang awit ng Tampipi, kuwento ng buhay ng mga nilalang na may luha at tuwa. Bulung-bulungan inampatan ng himig. Hayan isa ng awit na maaring sabayan upang ikaw ay aliwin, kapag ikaw ay nagnilay-nilay kung saan patungo ang buhay man din.


Last Updated ( Tuesday, 08 November 2005 )
Simula PDF Print E-mail
Written by Chie Lagdameo   
Tuesday, 08 November 2005

Nais kong kumanta ang sabi ng isa. Nais kong tumugtog ang wika ng dalawa. Opss…sandali lang, puwedeng bang sumali habol pa ulit ng isa. Hindi akalain samahan ay mabubuo sa pamamagitan lang ng notang hindi pa matanto kung ano ang tunog kapag buo. Hayan, hindi na mapatid ang huntahan na walang hanggan. Panay ang ampat ng himig sa lirang hindi mawari ang pinagmulan. Basta ang alam, ito ay kuwento na galing sa tampiping bitbit ng Lola sa pag-gala kung saan.

Last Updated ( Tuesday, 08 November 2005 )
Use FireFox!

 

Content © 2004 Tampipi

Powered By: Mambo Design By: St. Mike Iloilo Solutions. Special thanks to Mambozilla.com for the original template.