Main Menu
Home
About Tampipi
Tampipi News
Mga Muni-muni
Links
Contact Us
Search
Guestbook
Forums
FAQ's
Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one
Tampipi : Mula sa Ibayo PDF Print E-mail
Contributed by Caryn Paredes-Santillan   
Sunday, 19 June 2005
Tampipi : Mula sa Ibayo

Marami na ring pag-aaral ang nagawa sa tinaguriang ‘new breed’ of Filipinos: ang mga OFW at expats. At bakit nga naman hindi? Sa dinami-dami ba naman ng mga Pilipinong kasalukuyang naninirahan sa abroad, bakit hindi nati sila pag-uukulan ng pansin? Maraming pag-aaral na nagsasaad na may pagbabagong nagaganap sa mga taong pumupunta sa ibang bansa: pag-iba sa kilos at gawa, ugali, pakikiharap sa tao, sa mga pangarap sa buhay at sa pag-communicate sa mga tao sa paligid nya.

Tampipi
Tampipi
Isang paraan ng communication ang musika. Ang pinoy pa naman, mahilig kumanta saliw ng kahit anong gawain. Hindi rin naman kaila, ang mga Pinoy pagdating sa kantahan ay hindi pahuhuli. Subukang bigyan ng gitara ang isa; dalawa, tatlo ang kakanta.
Pero ano nga ba ang musika ng mga Pinoy na wala sa Pinas?
Ang Tampipi ay isang grupo na sunisikap na sagutin ang tanong na ito. Ang Tampipi ay binubuo nina Julius Santillan (composer/guitarist), Knollee Sales (Percussion), Fernand Fagutao (Vocals) at Yoyee Tan (Vocals).
Aba, sandali lang, ano ba kanilang tugtugin? Sariling likha hango sa kuwento ng mga Pilipino dito sa bansang Hapon…. Kuwento ng pag-ibig nakakatuwang isipin. Lagi na lang nagtatanong, “Ikaw nga ba ang tugon ng puso?” Tama daw ba na siya’y ibigin, tama ba raw ang nararamdaman? …Isang ina nangungulila sa kanyang bunso nang marinig ang mga katagang, “Tahan na aking mahal, yakap ka ng Nanay.” Paano nga ba mangyayari ang ganito; si Inay ay nandito, sa piling ng anak ay malayo. …. Ito ang ilan sa mga pinupunto ng mga awit ng Tampipi, kuwento ng mga buhay na may luha at tuwa. Bulung-bulungang inampatan ng himig, hayan isa ng awit na maaring sabayan sa pagninilay kung saan ang buhay ay patungo man din.
Ang Tampipi ay nabuo sa huntahang, “Nais kong kumanta,” ang sabi ng isa. “Nais kong tumugtog,” ang dugtong ng dalawa. “Opps…sandali lang puwede bang sumali?” habol pa ulit ng isa. Hindi akalain samahan ay mabubuo sa pamamagitan lang ng notang hindi pa matanto kung ano ang tunog kapag buo. Hayan na, hindi na mapatid ang pag-awit na walang hanggan. Panay ang ampat ng himig sa lirang hindi mawari ang pinagmulan.

Last Updated ( Thursday, 23 June 2005 )
Next >
Use FireFox!
Latest News
Popular

 

Content © 2004 Tampipi

Powered By: Mambo Design By: St. Mike Iloilo Solutions. Special thanks to Mambozilla.com for the original template.